Home NATIONWIDE TIEZA tutulong sa rehabilitasyon ng quake-damaged heritage sites sa Cebu

TIEZA tutulong sa rehabilitasyon ng quake-damaged heritage sites sa Cebu

306
0

MANILA, Philippines — Magbibigay ng suporta ang Department of Tourism (DOT) sa rehabilitasyon ng mga heritage site na napinsala ng magnitude 6.9 lindol na tumama sa Cebu noong Setyembre 30.

Ayon sa DOT, nakapagsagawa na ng inspeksyon ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), ang infrastructure arm ng ahensya, sa mga lumang simbahan sa probinsya na matinding naapektuhan ng pagyanig.

“Our President led the visit to the Archdiocesan Shrine here in the City of Bogo, and I understand that there are other municipalities whose churches have also been greatly affected,” pahayag ni Tourism Secretary Christina Frasco.

Aniya, nakikipag-ugnayan na rin ang DOT at TIEZA sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at iba pang kaukulang heritage agencies upang matiyak ang agarang pag-ayos at rehabilitasyon ng mga simbahan at makasaysayang istruktura.

Sa kanyang pagbisita, nakipagpulong si Frasco sa mahigit 900 tourism workers na naapektuhan ng lindol.

Samantala, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang briefing kasama ang mga opisyal ng Cebu na pinamumunuan ni Governor Pamela Baricuatro upang i-coordinate ang mga hakbang ng pamahalaan.

Binigyang-diin ng Pangulo na dapat isagawa ang pagtugon sa tatlong yugto. Ito ay ang search and rescue, relief operations, at rehabilitasyon ng imprastruktura, kabilang ang restoration ng mga heritage site.

“Cebu is the cradle of Christianity in Asia… our churches have played a central role in our way of life,” ani Frasco, sabay diin na kailangang manatiling bukas ang mga lugar ng pananampalataya bilang pinagmumulan ng pag-asa sa gitna ng krisis.

Kasama rin sa ininspeksyon ng Pangulo ang SM Cares Village sa Polambato, Bogo, at Cebu Provincial Hospital upang makita ang lawak ng pinsala at maihatid ang agarang tulong. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here