UNITED STATES – Sinabi ni President-elect Donald Trump na nais niyang buhayin at muling ibalik ang access ng mga mamamayan sa Estados Unidos sa pamosong social media platform na TikTok.
Sa kabila nito, sinabi niya na nais niya ring maging 50% owned ng isang US investor ang naturang social media app.
Matatandaan na hindi na maaaring magamit ang TikTok ng 170 milyong American users nitong gabi ng Sabado, Enero 18, dahil sa national security grounds.
Nagbabala ang mga opisyal ng US na sa ilalim ng Chinese parent company ng TikTok na ByteDance, mayroong banta na magamit ang mga datos ng mga American user.
Ani Trump, nais niyang i-extend ang “period of time before the law’s prohibitions take effect, so that we can make a deal to protect our national security.”
“I would like the United States to have a 50% ownership position in a joint venture. By doing this, we save TikTok, keep it in good hands and allow it to say up,” dagdag pa niya.
Kamakailan ay sinabi ni Trump na bibigyan niya ang TikTok ng 90 araw na palugit mula sa ban, matapos itong manungkulan.
“A law banning TikTok has been enacted in the US Unfortunately, that means you can’t use TikTok for now. We are fortunate that President Trump has indicated that he will work with us on a solution to reinstate TikTok once he takes office. Please stay tuned,” mensahe ng TikTok sa mga user nito.
Bagamat pansamantala lamang, ang shutdown ng TikTok ay mayroong epekto sa relasyon ng US at China, politika sa US, at social media marketplace at milyon-milyong mga Amerikano na naka-depende sa app. RNT/JGC