MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Cebu City government na suspendido pa rin ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan ngayong Lunes, Enero 25.
Ito ay para makapagpahinga umano ang mga lumahok sa pagdiriwang ng 2025 Sinulog Festival.
Sa kabila nito, sinabi ni Cebu City Mayor Raymond Garcia na operational na ang pasok sa mga opisina ng pamahalaan.
Nitong Sabado, halos 1.4 milyong mga deboto ang lumahok sa Solemn Foot Procession, ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office. RNT/JGC