Home NATIONWIDE Tinamong agri damage kay ‘Goring’ P504.4M na

Tinamong agri damage kay ‘Goring’ P504.4M na

MANILA, Philippines- Umakyat na sa mahigit kalahating bilyong piso ang pinsala at pagkalugi ng agriculture sector kasunod ng matinding pananalasa ni bagyong Goring.

Base sa pinakabagong bulletin na ipinalabas ng Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, ang pinsala sa farm sector dahil sa bagyo ay umabot sa halagang P504.4 milyon.

Mas mataas ito kumpara sa P375 milyon na naiulat noong Agosto 31.

Naapektuhan ng masungit at masamang panahon ang 11,965  magsasaka sa 19,658 ektarya ng agricultural areas sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Western Visayas.

Pagdating naman sa volume, “production losses stood at 21,134 metric tons,” ayon sa DA.

“Affected commodities include rice, corn, high-value crops, and livestock,”  dagdag na pahayag ng departamento.

Ang bigas ang pinakaapektado sa mga produkto na may total value loss na P362.2 milyon, katumbas ng 16,488 MT ng mga pananim na nasira sa 13,967 ektarya ng lupang sakahan.

Sumunod naman ang mais na may P139.1 milyong halaga ng pinsala at volume loss na 4,590 MT sa 5,682 ektarya ng lugar ang nasira.

Para naman sa high-value crops, ang halaga ng value loss ay umabot sa  P2.7 milyon, habang ang volume loss ay pumalo naman sa 56 MT sa siyam na ektarya ng lupain.

“The livestock and poultry sub-sector incurred P487,600 worth of losses, accounting for 23 heads of cattle, carabao, and goats,” ayon sa DA sabay sabing, “The DA, through its RFOs (regional field offices), is conducting assessments of damage and losses brought by ‘Goring’ in the agriculture and fishery sectors.”

Samantala, sinabi pa ng departamento na, “The DA-DRRM Operations Center will continuously provide updates regarding Goring.” Kris Jose