Home HOME BANNER STORY PH-India maritime cooperation palalakasin

PH-India maritime cooperation palalakasin

271
0

MANILA, Philippines- Nakatakdang palakasin ng Pilipinas at India ang maritime cooperation sa gitna ng pag-angkin ng China sa South China Sea (SCS).

Kamakailan lamang ay inilathala ng Beijing ang bagong opisyal na bersyon ng “standard map,” inilagay ang buong SCS sa loob lamang ng national boundaries nito, kabilang ang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at bahagi ng Indian territory.

Hindi naman tinanggap ng  Pilipinas, India, Malaysia, Vietnam, at Taiwan ang nasabing mapa, nagtatampok sa 10-dash lines.

“I would express my solidarity with the sentiment of the Philippines with regard to such efforts that I would call ‘cartographic expansionism’,” ayon kay Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran.

“Our Minister has also commented on this, and he has described this map as ‘absurd,”’ aniya.

Samantala, nagtatag naman ang  Philippine Coast Guard (PCG) at Indian Coast Guard (ICG) ng standard operating procedure (SOP) para payagan ang  direct contact sa pagitan ng dalawang bansa.

“It will allow us to have a pathway to transfer information and therefore help both countries,” sabi ni Kumaran.

May ilang PCG personnel ang ide-deploy sa India para sa  maritime training.

Tinuran naman ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin na nakagawian na ng Beijing na maglathala ng mapa.

“China routinely publishes standard maps of various types every year, which aim to make standard maps available to all sectors of society,” ayon kay Wang.

Subalit para kay National Security Adviser Eduardo Año, ang  arbitral ruling ay “final and binding.”

“The arbitral award is final and binding, and it gives us our maritime entitlement, our ‘extended’ economic zone, our territorial waters, and even our extended continental shelf,” giit niya.

Sa panig naman ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, kailangan nang simulan ng Pilipinas ang “exploration of oil and gas” nito sa EEZ.

“If you can get the natural resources, the oil, and the gas, you win. Even if China doesn’t recognize that you have the EEZ, as long as you can get the oil and gas, you win, and that is why Malaysia and Indonesia are winning,” aniya pa rin.

Tumanggi naman ang China na kilalanin ang ruling. Kris Jose

Previous articleTinamong agri damage kay ‘Goring’ P504.4M na
Next articleUS envoy sa military alliance sa Pinas: It’s evolving

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here