Home NATIONWIDE US envoy sa military alliance sa Pinas: It’s evolving

US envoy sa military alliance sa Pinas: It’s evolving

Baguio City— Muling pinagtibay ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay nitong Biyernes ang commitment ng kanyang bansa na palakasin at paghusayin ang military alliance nito sa Pilipinas upang tugunan ang mga bagong hamon.

Sa post-independence day celebration sa Baguio City, sinabi ng U.S. envoy na “evolving” ang partnership ng Manila at Washington.

Binanggit din niya ang mga benepisyo ng Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at ng U.S. sa pag-marka ng dalawang bansa ng 72 taong pagkakalagda sa kasunduan.

“What can we expect? Certainly another 72 years, at least,” ani Carlson nitong Huwebes.

“We are very honored to reiterate our commitment to that ironclad alliance. The fact that it’s evolving, our challenges are evolving and we see that after 72 years, the Mutual Defense Treaty really stood the test of time,” dagdag ng opisyal.

Sinabi ni Carlson na nananatiling committed ang Washington sa pagtulong sa Pilipinas sa modernisasyon ng armed forces nito.

“With the goal of modernizing the Philippine armed forces, improving our interoperability and defending the alliance, defending the territory of the Philippines to preserving lives and livelihood,” aniya.

Anang envoy, ngayon lamang taon, 500 military activities na ang nakapila sa dalawang bansa.

Sinabi ni Carlson na magpupulong ang Philippine at US officials ngayong buwan upang talakayin ang plano para sa sunod na lineup ng mga aktibidad para sa 2024.

Nagpupulong ang Mutual Defense Board and Security Engagement Board kada taon upang pag-usapan at planuhin ang mga aktibidad ng dalawang bansa para sa defense at security cooperation. Kabilang sa mga aktibidad ang joint military exercises at capability building sa counterterrorism, maritime security, cyber security, humanitarian assistance and disaster relief, at iba pang national security interests. RNT/SA