Home IN PHOTOS TINGNAN: Turnover ceremony ng bagong pinuno ng PRO -3

TINGNAN: Turnover ceremony ng bagong pinuno ng PRO -3

MANILA, Philippines- Nagbigay-pugay sina incoming Central Luzon Regional Police Office (PRO-3) Director Brig. Gen. Redrico Maranan at outgoing PRO-3 Director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. sa harap ni PNP Chief P/Gen. Francisco Marbil, sa turnover ceremony na ginanap sa Camp Raphael Olivas sa San Fernando, Pampanga nitong Martes, Oktubre 1.

Si General Maranan, ay 1995 graduate ng Philippine National Police Academy (PNPA), na humawak ng iba’t ibang tungkulin sa pamumuno, kabilang ang pagsisilbi bilang pinuno ng PNP Public Information Office at bilang police director para sa Pangasinan at Marikina. Ang kanyang bagong tungkulin ay naglalagay sa kanya sa command of police operations sa ilang probinsya sa Central Luzon, kabilang ang Bulacan, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, at Zambales. Val Leonardo