
Manila, Philippines — Matibay ang pananatili ng Tingog at Ako Bicol sa tuktok ng pinakahuling Party-list Preferential Survey para sa Halalan 2025 na isinagawa ng Tangere, isang kinikilalang institusyon sa larangan ng pananaliksik sa merkado at opinyong publiko.
Ayon sa resulta ng survey na isinagawa mula Abril 30 hanggang Mayo 3, 2025, Tingog Party-list ang nangunguna na may 5.83% na voter preference, habang pumapangalawa ang Ako Bicol na may 5.50%. Inaasahang parehong magkakaroon ng hindi bababa sa dalawang (2) upuan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.