Home METRO TNVS driver natagpuang patay sa minamanehong sasakyan

TNVS driver natagpuang patay sa minamanehong sasakyan

MANILA, Philippines- Natagpuang patay ang isang transport network vehicle service (TNVS) driver sa loob ng kanyang sasakyan sa Quezon City, ayon sa mga pulis nitong Lunes.

Base sa Quezon City Police District (QCPD), nadiskubre ng isa pang TNVS driver ang bangkay sa sasakyang nakaparada sa kahabaan ng Miriam Defensor Santiago Avenue sa Barangay Bagong Pag-asa.

Humingi ng tulong ang saksi sa mga security guards sa lugar, na nag-ulat sa mga pulis.

Sinabi ng QCPD na nagsagawa ang crime scene operatives ng ocular inspection sa lokasyon.

“A cursory examination was also done on the victim’s body, and it was determined that there were no signs of external wounds,” wika ng QCPD. RNT/SA