Home NATIONWIDE Dalagitang Pinay sapul ng tren sa Milan, Italy todas

Dalagitang Pinay sapul ng tren sa Milan, Italy todas

MANILA, Philippines- Patay ang isang 17-anyos na Pinay matapos mabangga ng tren sa Greco-Pirelli station sa Milan, Italy noong Sabado.

Ayon sa Italian news outlet Il Messaggero, nasawi ang teenager sa San Gerardo Hospital sa Monza kasunod ng aksidente. Siya umano ay “crossing the tracks on a scooter with her parents when the train struck her.”

Nagpaabot naman ng pakikidalamhati ang Philippine Consulate General sa Milan noong Linggo sa pamilya ng nasawi.

“The Consulate requests the Filipino Community to pray for the eternal repose of our departed kababayan’s soul,” pahayag nito. RNT/SA