Home NATIONWIDE Eleksyon sa Sorsogon ‘di masasagasaan ng pagputok ng Bulkang Bulusan – Comelec

Eleksyon sa Sorsogon ‘di masasagasaan ng pagputok ng Bulkang Bulusan – Comelec

MANILA, Philippines- Hindi makaaapekto at walang problema sa eleksyon sa Mayo sa Sorsogon ang pagputok ng Bulkang Bulusan, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, walang barangay o voting center sa loob ng 4 km danger zone.

May inilaan na rin aniyang malalaking evacuation centers ang lokal na gobyerno sa mga barangay na malapit sa bulkan kaya wala aniyang nakikitang posibilidad na magamit bilang evacuation center ang mga voting center o paaralan sa lalawigan.

Nauna nang sinabi ni Garcia na magpapatuloy ang halaan sa Mayo 12 sa mga apektadong lugar dahil may inilatag ang Comelec na mga contingency plan. Jocelyn Tabangcura-Domenden