Home NATIONWIDE TOL: Drones, espionage ‘tip of the iceberg’ lang ng pag-atake ng Tsina

TOL: Drones, espionage ‘tip of the iceberg’ lang ng pag-atake ng Tsina

Ang pagkakarekober sa submersible drone at ang pagkakabuking ng mga awtoridad sa mga aktibidad ng dayuhang espiya sa iba't ibang bahagi ng bansa ay bahagi ng isang wave ng pag-atake ng China sa mga institusyon at seguridad ng Pilipinas, batay sa naging konklusyon ni Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino.

MANILA, Philippines – BAHAGI umano ng isang “determinado, tuloy-tuloy, at malaganap na pag-atake” ng People’s Republic of China (PRC) sa mga Pilipino at mga institusyon ng Pilipinas ang nakaraang pagkakarekober sa submersible drone at pagkakabuking sa esopionage activities sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ganito ang naging konklusyon ni Majority Leader Francis ‘TOL’ Tolentino na namuno sa Senate inquiry na dinaluhan ng mga opisyal ng Philippine Navy, Philippine National Police, at iba pang law enforcement and security agencies.

“All of us have watched over the last weeks, and months, at mayroon nga ngayong Abril, individuals caught in the act of secretly collecting information about our country. [Their] criminal, illicit activity bears all the hallmarks of espionage,” iginiit ni Tolentino.

“In every single case, the same nexus of responsibility has emerged. Iisa lang po ang patutunguhan ng lahat ng imbestigasyon. Ang lahat po ay tinuturo, base sa mga indibidwal na naaresto, sa People’s Republic of China,” idiniin niya.

“We are facing a wave of Chinese espionage that is nothing like we have experienced in our nation’s history. This is not an isolated event. Again I repeat the words coming from a resource person, that this is just the ‘tip of the iceberg,’” dagdag ng senador.

Sa pagtatanong ni Tolentino hinggil sa natuklasan ng kanilang forensic examination sa dalawang drone na narekober sa San Pascual, Masbate noong Disyembre ng nakaraang taon, at sa Sabtang, Batanes noong Pebrero, sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad ng Philippine Navy na ang mga drone ay may kakayahang mangalap ng kritikal na impormasyon sa ilalim ng karagatan at mga katangian ng bansa.

“The yellow drone (marked HY-119, recovered by fishermen from Masbate) is designed to collect, what we call bathymetric data: depth of water, salinity, conductivity, [and] oxygen content,” sabi ni Trinidad.

“The black one (recovered in Batanes) has the same capability, but it also has an AVS: acoustic vector sensor. Nagpi-pick up siya ng sound, how sound propagates or travels underwater,” anang Navy spokesperson.

“Sound propagation is very critical when it comes to undersea warfare. Pero lahat naman ng nakukuhang information ng mga drone na ito have different uses, pwedeng commercial, academic, scientific research, at military use,” paliwanag pa niya.

Iniugnay ni Tolentino ang narekober na drone sa serye ng espionage activities sa Makati, Palawan, at Zambales subalit nabigo ng mga operatiba ng PNP at National Bureau of Investigation (NBI) matapos maalerto ng mga lokal na residente.

“Ang impormasyon [na nakukuha ng mga aktibidad ng espiya] ay naglalagay sa ating seguridad sa panganib, kabilang ang impormasyon sa aktibidad sa ating mga base militar, ang ating estado ng paghahanda sa militar, ang ating kakayahang protektahan ang West Philippine Sea, at kung saan matatagpuan ang ating mga barko at mga mandaragat. Ito po yung nakakabahala,” sabi ni Tolentino. RNT