Home HOME BANNER STORY Tolentino sa DFA, DMW: Mga Pilipino sa ME, tiyaking ligtas sa giyera...

Tolentino sa DFA, DMW: Mga Pilipino sa ME, tiyaking ligtas sa giyera ng Iran, Israel

MANILA, Philippines – Nanawagan si Sen. Francis “Tol” Tolentino sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na protektahan at tiyaking ligtas ang mga Pilipino sa Middle East habang sinasalakay ng Iran ang Israel, gamit ang mga drone at missiles.

Ayon sa DFA, humigit-kumulang 2,221,448 overseas Filipinos (running estimates as of 2020) ang naninirahan sa 16 na bansa sa Middle East. Karamihan sa kanila ay nasa Saudi Arabia (865,121), United Arab Emirates (648,929), Kuwait (241,999), at Qatar (241,109).

Ang iba pang mga bansa sa Middle Eastern na may malaking bilang ng mga overseas Filipino ay kinabibilangan ng Bahrain (55,790), Oman (52,760), Jordan (40,538), Lebanon (33,424), at Israel (29,473).

Ang naninirahan bilang permanenteng residente, pansamantalang residente, at undocumented/irregular migrants, mula sa mahigit 100 hanggang mahigit 5,000 overseas Filipinos, ay naitala sa Egypt, Libya, Iraq, Iran, Syria, Palestine, at Yemen.

Sinabi ni Tolentino na ang overseas Filipinos na naninirahan ngayon sa Israel ay nangangailangan agad ng aksyon ng gobyerno upang matiyak ang kanilang kaligtasan at maiuwi sila kung kinakailangan upang maiwasan ang pagkawala ng buhay sakaling lumala pa ang sitwasyon.

Buong pagtitiwala sa DFA at DMW, umaasa siya na ang dalawang ahensyang ito ay may nakahandang contingency measures para protektahan ang mga overseas Filipino sa pinakamasamang sitwasyon, halimbawa kapag naipit sa gitna ng armadong labanan.

“I would say that at present, the immediate action needed is to determine the number of overseas Filipinos per country in the Middle East, assess the danger where they are now, and determine appropriate action based on their proximity to the place of conflict. That means that we must now take action for our compatriots who are in Israel,” sabi ni Tolentino. RNT