Home NATIONWIDE Tolentino sa WPS issue: Gising Pilipino!

Tolentino sa WPS issue: Gising Pilipino!

MANILA, Philippines – “Raising public awareness on the West Philippine Sea is key to rallying Filipinos to take a united stand on this issue.”

Ito ang iginiit ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino, isa sa 7,000 runners na sumali sa ‘Takbo para sa WPS’ (West Philippine Sea) na ginanap noong Linggo ng umaga sa Mall of Asia, Pasay City.

“Ipinapakita [ng aktibidad na ito] yung pagkakaisa bilang tugon sa mga nangyayari sa ating karagatan. So, maganda ito kasi maraming kabataan din dito. So, yung level of awareness, naitataas,” sabi ni Tolentino, tagapangulo ng Senate special committee on maritime and admiralty zones, sa panayam ng media.

Sa parehong panayam, sinang-ayunan ni Philippine Coast Guard (PCG) Jay Tarriela si Sen. Tolentino, sa pagsasabi pang ang pagpapakita ng suporta ng taumbayan ay nagpapataas ng morale ng mga tauhan ng PCG, Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang line agencies na nagsusulong sa matatag na posisyon ng administrasyon sa conflict.

“The mere fact na ang karaniwang kababayang Pilipino natin is looking for ways to support our fight in the West Philippine Sea., nakakapagpataba ng puso ito sa kasundaluhan natin,” anang opisyal.

Sinabi ni Tarriela na ang Visayas at Mindanao leg ng run ay gaganapin sa Cebu sa Agosto at Cagayan de Oro sa Setyembre, ayon sa pagkakasunod. Ilang LGUs na rin ang lumapit sa PCG para ipahayag ang kanilang interes na mag-host ng katulad na event.

“So this is already a positive sign, na even the local government units, not just here in Luzon, but even from Mindanao and Visayas, ay may intention na palaganapin ang kaalaman natin pagdating sa… effort ni Pangulong Bongbong Marcos para sa West Philippine Sea,” sabi ni Tarriela.

Nang tanungin tungkol sa mga plano ng Kongreso na suportahan ang layunin ng WPS sa darating na mga pagdinig sa badyet, sumagot si Tolentino: “Susubukan naming gumawa ng ilang incremental na pagtaas upang tumugon sa kasalukuyang pangangailangan ng Philippine Coast Guard, gayundin ng AFP.”

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Tarriela na hihilingin ng PCG sa mga mambabatas na suportahan ang pondo para sa paglikha ng isang National Research Fleet, na aniya ay magbibigay-daan sa bansa na ituloy ang marine research program nito, pangungunahan ng mga siyentipiko mula sa University of the Philippines-Marine Science Institute (UPMSI).

“I think it’s about time that we support our marine scientists from UP, mabigyan sila ng tamang budget para magkaroon sila ng sarili nilang National Research Fleet, at magkaroon tayo ng mas malalim na pag-aaral na ginagabayan ng scientific research,” paliwanag ni Tarriela. RNT