Home OPINION TOLL FEES AT TAXES

TOLL FEES AT TAXES

185
0

MAY natanggap na katanungan ang Lawyers for Commuters Safety and Protection o LCSP kung bakit daw hindi gawing ‘forever’ na ang “toll holiday” sa Cavitex at dapat gayahin ito nang iba pang tollways sa bansa.

Ang sabi pa, ‘di ba nagbabayad ang tao ng taxes at isa sa dapat puntahan ng taxes ng tao ay ang pagpapagawa ng mga daan tulad ng Tollways o mabilis at maayos na daan/kalsada para sa mga motorista?

Una, ang tollway holiday na ipinatutupad ng PEA Tollway Corporation sa Cavitex ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Bong Bong Marcos base sa petisyon ng Philippine Reclamation Authority at inaprubahan ng Toll Regulatory Board mula July 1 hanggang July 30, 2024.

Sa kasalukuyan ay higit na sa dalawang milyong motorista ang nakinabang dito. Ang CAVITEX ay 100% na pagmamay-ari ng pamahalaan  sa pamamagitan ng PRA at pinapangasiwaan ng PEATC.

Ang pribadong Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) na ka-joint venture naman ay ang bahala sa infrastructure development at financing. Kapalit ay share sa toll fees sa ratio ng 90/10 na dapat nga ay 60/40 na pabor sa gobyerno.

Pero bakit kailangan magbayad ang publiko sa tollways na dapat libre dahil may taxes namang ibinabayad ang taumbayan?

Kakayanin ba ng pamahalaan ang magpagawa ng mga express way na may tollways?

Mainam sana kung lahat ng tollways ay pag-aari ng gobyerno tulad ng Cavitex pero ang katotohanan ay hindi kakayanin ng pamahalaan kaya’t umaasa sa mga dambuhalang negosyante upang pasok sa mga PPP agreement o public-private partnership agreement.

At dahil negosyante, dapat lamang ay kumita sila o yung tinatawag na “return of investment” nila.

Darating kaya ang panahon na ang mga skyway, tollways at iba pang mabilis na daluyan ng mga sasakyan ay  gobyerno ang mapapagawa para hindi na mangailangan ng perang manggagaling sa mga negosyante?  Sana naman para maging 100 percent free for public use at hindi pinagkakakitaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here