MANILA, Philippines – Magkakaroon ng dagdag sa singil sa toll fees sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) at Muntinlupa Cavite Expressway (MCX) simula ngayong araw.
Mula Nobyembre 19, ang toll rates sa SCTEX ay tataas batay sa mga sumusunod na uri ng sasakyan.
Class 1 – P0.64/km
Class 2 – P1.29/km
Class 3 – P1.93/km
Nangangahulugan ito na may dagdag na P25 para sa class 1 vehicles mula Mabalacat patungong Tarlac, at P50 para sa mga bus at small trucks.
Para naman sa MCX, ang mga sasakyan ay magbabayad ng toll fees simula Nobyembre 20, Miyerkules sa mga sumusunod na uri:
Class 1 – P22
Class 2 – P43
Class 3 – P65
Sa post noong Nobyembre 15, sinabi ng Toll Regulatory Board (TRB) na ito ay ang ikalawang tranche ng toll fee movements matapos na humiling ang NLEX Corporation ng periodic adjustments sa 2020 at 2022.
Hinati ng TRB ang rate increases sa tatlong tranche upang maibsan ang epekto nito sa mga motorista.
Ang unang tranche ay ipinatupad noong Oktubre 2023.
Sinabi ng TRB na inaprubahan nito ng koleksyo ng provisionally approved toll fees para sa MCX matapos na maghain ng petisyon ang Ayala Corporation at MCX Project Company, Inc. para sa periodic toll rate adjustments noong 2022. RNT/JGC