Home ENTERTAINMENT Tom, may ipinalit na kay Carla!

Tom, may ipinalit na kay Carla!

Manila, Philippines- Mahigit dalawang taon ding namalagi si Tom Rodriguez sa Amerika before he decided to return.

Dapat daw ay ilang linggo lang siya sa Arizona, pero na-extend na nga nang na-extend ang kanyang stay roon.

While there, natutuhan na rin ng Kapuso actor to rely on himself.

He had learned to cook and wash his clothes, bagay na hindi niya ginagawa rito.

But it’s worth learning life lessons.

Also, he needed time to be away from home para mag-heal.

Taong 2021, months after he and Carla Abellana got hitched, ay nagkahiwalay sila.

Sa ngayon, asked kung healed na nga ba siya’y 100% na raw siyang naka-move on from the heartbreak.

May kasabihan na ang lunas sa isang sugatang puso ay isang pusong handang magmahal muli.

This saying–thankfully–applies to Tom.

Inamin nga ni Tom sa 24 Oras that he’s dating someone.

‘Yun nga lang, he’s not about to share with the public the girl’s identity.

“Siguro, ipagdadamot ko,” ani Tom patungkol sa babaeng nagbibigay ng kulay sa kanyang buhay ngayon.

“Basta what you see is what you get. Obvious namang happy and recovered na ang hitsura ko, ‘di ba?” pagbibida pa ng aktor.

Of course, Tom’s girl piques anyone’s interest.

Na-meet ba niya ito during his US stay? Pinay rin ba? Taga-showbiz?

May balak din ba niyang pakasalan ‘yon?

The list of questions is long as it is intriguing! Ronnie Carrasco III

Previous article10% amusement tax ng Pinoy films inilibre ng 3 taon
Next articlePagyoyosi nangungunang mitsa ng sunog ngayong 2024 – BFP