MANILA, Philippines- Nangunguna ang paninigarilyo bilang sanhi ng sunog sa bansa sa kasalukuyan, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Biyernes.
Batay sa BFP data, mayroong 191 fire incidents mula sa lighted cigarettes, cigars, at pipes mula January 1 hanggang March 1.
Kabilang pa sa mga pangunahing sanhi ng fire incidents ang apoy mula sa pagluluto gamit ang liquefied petroleum gas (LPG), gas stoves, at kahot na may 155 kaso; electrical ignition dahil sa arcing sa 144; electrical ignition dahil sa loose connection sa 98; at electrical ignition dahil sa overloading sa 62.
May kabuuang 3,044 fire incidents ang naiulat mula January 1 hanggang March 1, o mas mataas ng 25.6% kumpara sa 2,424 na naitala sa parehong period noong nakaraang taon, ayon sa BFP.
Nasawi naman ang 69 indibidwal habang 213 ang sugatan, na mas mataas din kumpara sa tala noong 2023.
Karamihan sa mga insidente ng sunog ay naganap sa residential areas, batay sa BFP.
Mayorya ng mga pagliyab ay aksidente sa 1,704 kaso, habang 20 ang sinadya. Samantala, 1,263 pa ang iniimbestigahan.
Upang paigtingin ang fire prevention at response, sinabi ni BFP spokesperson Fire Superintendent Annalee Carbajal-Atienza na patuloy ang pagbili ng bureau ng mga bagong kagamitan at pag-recruit ng karagdagang tauhan.
“Ongoing [and] continuous procurement po tayo relating to BFP Modernization Program, Republic Act No. 11589, as well as recruitment and refresher training of personnel in the operations,” aniya.
“Fire prevention pa rin po emphasis ng agency to minimize the fire incident especially now with the extremely hot weather that contributes greatly in the fast spread of fires,” dagdag ng opisyal.
Magsasagawa ang BFP ng kick-off ceremony para sa Fire Prevention Month sa Quirino Grandstand sa Manila ngayong Biyernes ng hapon. RNT/SA