Bulacan — Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) nang silbihan ng Warrant of Arrest (WOA) sa manhunt operation ng pulisya sa bayan ng Calumpit nitong Hunyo 25.
Sa report kay PCOL Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan police, nakilala ang Top 1 MWP na si alyas “Ian”, residente ng Brgy. Iba O’ Este.
Ayon sa report ng pulisya, naaresto si Ian ng tracker team ng Calumpit Police Station bandang 10:15 ng gabi sa nasabing lugar.
Nabatid na ang WOA sa kasong sexual assault (2 counts) ay inilabas ng Branch 17, Regional Trial Court, Lungsod ng Malolos noong Hunyo 20, 2025.
Bukod dito, nasa siyam na indibidwal pa ang naaresto nang silbihan ng WOA sa magkakahiwalay na operasyon ng tracker teams ng Norzagaray, Bocaue, Sta. Maria, Meycauayan, San Ildefonso, at Plaridel police stations.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga humuling istasyon ang mga naarestong indibidwal para sa tamang disposisyon.