Home NATIONWIDE Top 1 most wanted killer, manyakol, isa pang wanted nalambat sa Bulacan...

Top 1 most wanted killer, manyakol, isa pang wanted nalambat sa Bulacan ops

330
0

MANILA, Philippines – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (MWP)- (City Level) nang silbihan ng Warrant of Arrest (WOA) ng mga awtoridad sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Sa report kay PCOL Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan police, nakilala ang wanted na si alyas Dondon, 41 anyos.

Ayon sa report, naaresto ng SJDM police sa bisa ng WOA ang wanted bandang 4:03 ng hapon nitong Hunyo 24 sa Brgy. Poblacion.

Nabatid na ang WOA sa kasong murder ay inilabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 120, SJDM noong Abril 3, 2025.

Huli rin ng mga awtoridad sa kaparehong operasyon at petsa ang Top 1 MWP- (Municipal Level) ng San Miguel na si alyas Renwhell bandang 1:45 ng hapon nang silbihan ng WOA sa kasong Acts of Lasciviousness na inilabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 80, Malolos, Bulacan noong Hunyo 17, 2025.

Matagumpay na nadakma rin ng mga pulis ang Top 5 MWP ng araw na iyon sa Brgy. Loma de Gato, Marilao ang Top 6 MWP-(Municipal Level) na si alyas Christine, 40 sa bisa ng WOA sa kasong BP 22 (8 counts) na inilabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 24, Manila noong Abril 21, 2025.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng mga humuling istasyon ng pulisya ang mga naarestong wanted para sa tamang disposisyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here