Home METRO Top 5 MWP timbog sa Las Piñas

Top 5 MWP timbog sa Las Piñas

MANILA, Philippines- Nadakip sa planadong pagsasagawa ng manhunt operation ng mga tauhan ng Las Piñas City police ang top 5 most wanted person (MWP) Biyernes ng umaga, Enero 17.

Kinilala ni Las Piñas City police chief PCOL Sandro Jay Tafalla ang inarestong suspek na si alyas Flores, 24, top 5 MWP sa street level.

Sa report na isinumite ni Tafalla sa Southern Police District (SPD), inaresto si alyas Flores dakong alas-6:45 ng umaga sa Barangay CAA, Las Piñas City.

Ang pag-aresto sa suspek ay naisakatuparan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Enero 10, 2025 ni Las Piñas City Family Court Presiding Judge Mildred Jacinto Marquez ng Branch 2 na may kaakibat na rekomendasyong piyansa sa halagang P120,000.

Si alyas Flores ay nahaharap sa kasong double murder sa ilalim ng Criminal Case No. 24-1301.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng Las Piñas City police habang naghihintay ng commitment order ng korte para sa paglipat ng kanyang pagpipiitan. James I. Catapusan