Home HOME BANNER STORY Top 5 trabaho sa Pinas na may pinakamataas na daily basic pay...

Top 5 trabaho sa Pinas na may pinakamataas na daily basic pay alamin

MANILA, Philippines- Inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang resulta ng January 2025 Labor Force Survey (LFS) kung saan makikita ang top 5 na trabaho na nakatatanggap ng pinakamataas na daily basic pay sa bansa.

Makikita sa data mula sa pinakabagong LFS ang mga sumusunod na 5 major jobs pagdating sa daily wages:

Una na rito ang Manager, tumatanggap ng pinakamataas na average daily wage nito lamang Enero 2025 na P1,300, bumaba mula sa P1,356 noong January 2024.

inilarawan ng PSA ang managers bilang iyong mga “plan, direct, coordinate and evaluate the overall activities of enterprises, governments, and other organizations.”

Sumunod naman sa listahan ang Armed Forces occupations, nakatatanggap ng P1,174 average daily wage na tumaas mula sa P1,095 per day year-on-year.

Kabilang sa Armed forces occupations ang lahat ng trabaho na ginagawa ng mga miyembro ng armed forces, hindi kasama ang civil defenses gaya ng police at customs inspectors.

Ang Professionals ay pangatlo naman sa pinakamataas na nakatatanggap ng daily basic pay na P1,173, tumaas ng P113 noong January 2024.

Ang mga Professionals ay iyong mga nag-apply para sa scientific o artistic concepts at theories sa kanilang tungkulin gaya ng sa larangan ng ‘sciences, social sciences, legal at social services, art, bukod sa iba pa.

Ang Technicians at associate professionals ang pang-apat, nakatatanggap ng P855 basic pay per day, tumaas mula sa P786 year-on-year.

Ang Technicians ay iyong gumaganap sa technical tasks na konektado sa aplikasyon ng scientific o artistic concepts, operational methods, at government o business regulations.

Ang Clerical support workers ang pang-lima na may daily basic pay na P739, tumaas mula sa P708 sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.Kasama sa Clerical support work ang ‘recording, organizing, storing information at gumaganap ng clerical duties gaya ng ‘money-handling, travel arrangements, at appointments.’

Samantala, ang bottom five occupations na may pinakamababang daily basic pay ay ang :

  • Elementary occupations — P416

  • Skilled agricultural, forestry, at fishery workers — P418

  • Service at sales workers — P531

  • Plant at machine operators at assemblers — P572

  • Craft at related trades workers — P573

Kabilang sa Elementary occupations ang simpleng routine tasks na nangangailangan ng paggamit ng hand-held tools gaya ng paglilinis, restocking ng mga supply, basic maintenance, pagtulong sa kusina, pagwawalis sa kalsada at bukod sa iba pa.

Ang mga Skilled agricultural workers naman ay iyong naghahanda ng “soil, sow, fertilize, harvest crops; breed, raise, tend, hunt animals; catch and cultivate fish and other aquatic life; at nagbebenta ng ani sa mga pamilihan, purchasers.’

“Service and sales workers’ tasks include housekeeping, preparing and serving food and beverages, providing basic health care, posing as models for advertising, hairdressing and beauty treatments, enforcing of law, selling goods at stalls and markets,” ayon sa PSA.

Ang plant at machine operators at assemblers ay iyong “who operate and monitor industrial and agricultural machinery and equipment.”

Ang mga Craft at kaugnay na pangangalakal ay “who perform tasks applying specific knowledge and skills in constructing and maintaining buildings, making handicrafts, pottery and glass, making metal structures or welding and casting metal.” Kris Jose