Home METRO Top 6 MWP timbog sa P’que

Top 6 MWP timbog sa P’que

MANILA, Philippines- Nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit (WSU) ang top 6most wanted person ng Parañaque City police nitong Biyernes ng madaling araw, Mayo 3.

Kinilala ni Parañaque City police chief P/Col. Reycon Garduque ang inarestong suspek na si Jomari Alano, alyas Joms, 28, construction worker.

Base sa report na natanggap ni Garduque, naganap ang pag-aresto kay alyas Joms dakong alas-3:30 ng madaling araw sa Brgy. Sto. Niño Parañaque City.

Naisakatuparan ang pagdakip kay Alano sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Nobyembre 13, 2023 ni Parañaque City Family Court Judge Moises Domingo De Castro ng Branch 10 kaugnay sa kasong statutory rape na walang inilabas na kaukulang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kasalukuyang nakapiit si Alano sa custodial facility ng Parañaque City police habang naghihintay ng commitment order na manggagaling sa korte para sa kanyang paglilipatang kulungan sa Parañaque City jail. James I. Catapusan