Manila, Philippines- Reclusion perpetua o life sentence ang desisyong iginawad ng korte sa lahat ng mga inakusahan ni Vhong Navarro.
Sa kaso ni Cedric, nakangiti pa ito nang sumuko kinagabihan ng mismong araw na ibinaba ang desisyon.
Dumaan ito sa karaniwang proseso bago dinala sa kulungan.
Ang hindi lang matanggap ni Cedric ay ang verdict na life sentence.
Sa kaso naman ni Deniece Cornejo na dinala na sa bilangguan, napahanga niya ang kanyang kaanak na si Rod Cornejo.
Magkatabi lang kasi sila nang basahan ng desisyon.
Ani Rod, humanga raw siya sa katapangan ni Deniece.
Pagkabasa kasi ng verdict ay kalmado lang ito at tahimik.
Ibig kayang sabihin niyon ay inaasahan na ni Deniece na sa kulungan ang bagsak niya kabilang ang iba pa?
Kung iba-iba nga raw ‘yon, ani Rod ay tiyak na gumawa ng eksena sa mismong korte na mala-teleserye ang peg.
Dagdag pa ni Rod, nabanggit daw sa kanya ni Deniece na: “Justice will prevail.”
Tama naman si Deniece: justice did prevail in favor nga lang of Vhong.
Speaking of Deniece, ano na ang mangyayari sa kanyang showbiz plans?
Hindi ba’t nakakontrata siya bilang artist ng talent management office na pag-aari ng abogado niya rin at Borracho Films producer na si Atty. Ferdie Topacio?
Tuluyan na bang nabantilawan ang showbiz career nito?
As for Cedric, ano kaya ang reaksyon ng menor de edad na anak niya kay Vina Morales na si Ceanna?
Lately lang ay ipinagpasalamat pa ni Vina ang maayos na co-parenting set-up nila ni Cedric. Ronnie Carrasco III