Home METRO Top 8 at 9 MWP nalambat sa Las Piñas, Taguig

Top 8 at 9 MWP nalambat sa Las Piñas, Taguig

115
0

MANILA, Philippines- Nadakip sa magkahiwalay na operasyon ng Las Piñas at Taguig City police ang Top 8 at 9 most wanted persons (MWP) Biyernes ng hapon, Hulyo 5.

Sa Las Piñas ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Section (SIS) ang top 8 MWP na si alyas Froi, 43, dakong alas-5 ng hapon sa Satima Village, Brgy Talon Dos, Las Piñas City.

Naisakatuparan ang pag-aresto kay alyas Froi sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Anne Beatrice Aguana Balmaceda ng Branch 200 noong Nobyembre 29, 2022 dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Samantala, ang top 9 MWP naman ng station level para sa ikatlong quarter nitong Hulyo 2024 na si alyas Ramil, 31, ay nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit (WSU) ng Taguig City police.

Dakong alas-5 rin ng hapon nang madakip si alyas Ramil sa South Daang Hari, Taguig City, bunsod ng kanyang kinahaharap na kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na nakapailalim sa Criminal Case Number 10598-D.

Ang pagdakip kay alyas Ramil ay nangyari sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Taguig City RTC Presiding Judge Bernard Pineda Bernal, NCJR ng Branch 70 nitong nakaraang May 20, 2024.

Kapwa nakapiit sa mga custodial facility ng Las Piñas at Taguig City police ang mga suspek habang naghihintay ng commitment order ng korte para sa kanilang paglilipatang kulungan. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here