Home METRO Top 8 at 9 MWP nalambat sa Las Piñas

Top 8 at 9 MWP nalambat sa Las Piñas

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Warrant & Subpoena Section (WSS) sa pakikipagtulungan ng Station Intelligence Section (SIS) ng Las Piñas City police ang top 8 at 9 most wanted person (MWP) sa lungsod nitong Biyernes, Mayo 10.

Sa report na isinumite ni Las Piñas City police chief P/Col. Sandro Jay Tafalla kay Southern Police District (SPD) Director P/Brig. Gen. Leon Victor Rosete ay kinilala ang dalawang nadakip na suspect na sina alyas Jasan, 48, at alyas Noy, 28.

Ayon sa report ng SPD, unang inaresto ng mga tauhan ng WSS at SIS ang tinaguriang top 8 MWP na si alyas Jasan sa Barangay Talon, Las Piñas City sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na may CC No. 22-0358 na inisyu ni Las Piñas City Regional Trial Court Presiding Judge Victor Aguba ng Branch 255, noong Pebrero 21, 2024.

Sumunod na inaresto sa araw din na nabanggit ang top 9 MWP dahil din sa kasong paglabag sa RA 9165 si alyas Noy sa Barangay Almanza Uno, sa lungsod.

Ang pagdakip kay alyas Noy ay naisakatuparan sa bisa din ng warrant of arrest na nakapailalim sa CC No. 22-0590 at 22-0591 na inisyu din ni Judge Aguba noong Abril 30, 2024.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas City police ang mga suspects habang naghihintay ng commitment order para sa kanilang paglipat sa Las Piñas City jail. James I. Catapusan