Home METRO Top 8 most wanted sa Pasay, arestado

Top 8 most wanted sa Pasay, arestado

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Pasay City police Warrant and Subpoena Section (WSS) ang top 8 most wanted person (MWP) nitong Biyernes ng hapon, Hunyo 14.

Kinilala ni Pasay City police officer-in-charge P/Col. Samuel Pabonita ang inarestong suspek na si alyas Elvin, 48.

Base sa report na natanggap ni Pabonita, naganap ang pagdakip kay alyas Elvin dakong alas 3:00 ng hapon sa Barangay 128, Pasay City.

Si alyas Elvin ay naging wanted sa batas dahil sa kanyang paglabag sa Section 11 Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naipatupad ang pag-areto kay alyas Elvin bunsod ng pagsisilbi ng warrant of arrest na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Edilwasif Tapsiril Baddiri ng Branch 115 sa ilalim ng Criminal Case No. R-PSY-20-02137-CR na may kaakibat na rekomendasyon ng piyansa sa halagang ₱200,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pasay City police ang suspek habang naghihintay ng kanyang commitment order ng korte para sa kanyang paglilipatan ng piitan. James I. Catapusan