Bulacan- Arestado ng mga awtoridad ang Top 8 Most Wanted Person (Provincial Level) sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).
Sa report ng pulisya, kinilala ang wanted na si Kayshene Gabuan, 29, residente ng naturang lungsod.
Ayon sa report, naaresto ng pinagsanib na pwersa ng SJDM police station, PIT-Bulacan East, RIU-3, RMFB 3 at PNP Maritime Group ang wanted bandang alas-11:30 ng umaga nitong Marso 3 sa Brgy. Gaya-Gaya.
Nabatid na ang WOA sa kasong two counts of statutory rape by carnal knowledge ay inisyu ng RTC Branch 5-FC, SJDM na walang inirekomendang piyansa.
Humihimas na ng rehas ang naarestong wanted sa nabanggit na himpilan ng pulisya. Dick Mirasol III