Home METRO Manila Cathedral magsasagawa ng 3 misa sa Ash Wednesday

Manila Cathedral magsasagawa ng 3 misa sa Ash Wednesday

MANILA, Philippines- Magdaraos ng tatlong misa ang Manila Cathedral sa paggunita ng Ash Wednesday sa Marso 5.

Sa social media post noong Martes, sinabi ng Cathedral na ang unang misa at paglalagay ng abo ay pangungunahan ni Manila Cathedral Rector Msgr. Rolando dela Cruz ng alas-7:30 ng umaga.

Ang ikalawang misa at paglalagay ng abo ay kasado sa ganap na alas-12:10 ng hapon.

Ang misa ay pangungunahan ni Manila Cathedral Vicar Fr. Vicente Gabriel Bautista.

Samantala, pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang ikatlong misa at ang paglalagay ng abo ng alas-6 ng gabi.

Ang katedral ay mag-aalay ng sakramento ng kumpisal mula alas-10 ng umaga hanggang tanghali at mula alas-3 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon.

Ang Ash Wednesday ay hudyat ng pagsisimula ng 40-araw na panahon ng Kuwaresma, panahon ng panalangin, pag-aayuno, at paglilimos para sa mga Katoliko.

Sa araw na ito, ang mga abo ay inilalagay sa mga noo ng mga mananampalataya sa hugis ng isang krus ng pari, na nagpapala sa tao habang binibigkas ang mga salitang “Alalahanin na ikaw ay alabok, at sa alabok ka babalik. Jocelyn Tabangcura-Domenden