Home METRO Top 9 most wanted person, timbog sa Caloocan

Top 9 most wanted person, timbog sa Caloocan

MANILA, Philippines- Nasakote ng pulisya ang isang mekaniko na listed bilang 9th top most wanted sa kasong panggagahasa sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si Alfonso Ruiz Jr, 55, mekaniko ng 499 Tullahan Road, Sepa St., Barangay 162, Sta. Quiteria.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, nagsagawa ang pinagsanib na mga operatiba ng IDMS – Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PMAJ Jeraldson Rivera at Sta. Quiteria Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni P/Cpt Marlon Landong ng manhunt operation kontra wanted persons.

Natimbog ng mga operatiba ng WSS sa nasabing police operation ang akusado dakong alas-3:50 kahapon sa kahabaan ng Libis Baesa, Sta. Quiteria, Brgy. 160.

Ani Major Rivera, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng FC Branch 1, ng Caloocan City noong May 11, 2023, para sa kasong Rape.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. Rene Manahan

Previous articleKawalan ng pondo ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, aksyunan – solon
Next articleDAR, BJMP sanib-pwersa sa pagtulong sa mga magsasaka