Home NATIONWIDE Top scorers sa August 2023 civil service exam pinangalanan ng CSC

Top scorers sa August 2023 civil service exam pinangalanan ng CSC

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) ang mga top-notcher sa Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) na isinagawa noong Agosto 20, 2023

Nanguna si Patricia D. Victa mula sa National Capital Region (NCR) sa Professional level na may rating na 93.6, habang si Leonard Brian E. Nicolas, na mula rin sa NCR, ay nanguna sa Sub-Professional level sa rating na 90.83.

Kumumpleto sa listahan ng top-notchers para sa Professional level ay sina Mark Angelo R. Montero (Bicol Region) sa rating na 92.59; John Paulo M. Silvestre (NCR) sa 92.5; Marc Zeus F. Flauta (Southern Tagalog) sa 92.28; Thea A. Malificiar (NCR) sa 92.26; Kristine Kaith M. Retoma (Cagayan Valley) sa 92.23; Geri Taguian (Southern Tagalog) sa 92.05; Louise Giselle C. Buguina (Cagayan Valley) sa 92.03; Edsyl John A. Khu (Eastern Visayas) sa 92.01; at Russel B. Dumpay (Southern Tagalog) sa 92.

Samantala, ang top passers para sa Sub-Professional level ay sina Dave C. Marinas (Cagayan Valley) na may rating na 90.26; Joanna Patricia P. Mangalino (Southern Tagalog) sa 90.2; Camille Kristy P. Barrameda (Central Visayas) sa 90.06; Xexer N. Llaneta Jr. (NCR) sa 90; Daniel Oliver O. Tondo (Bicol Region) sa 89.98; Angelo Gabriel Neva (Southern Tagalog) sa 89.93; Angelo I. dela Cruz (NCR) sa 89.86; Gino J. Plantig (Southern Tagalog) sa 89.63; at Sacha Mae DC. Abundo (Bicol Region) sa 89.6.

Pagdating sa regional performance, nakakuha ang NCR ng pinakamataas na passing rate na may 26.03% o 12,548 passers sa 48,203 examinees.

Sinundan ito ng Region 3 (Central Luzon) sa 22.5 percent o 5,452 passers sa 24,231 examinees; Cordillera Administrative Region na may 21.28 percent o 3,029 passers sa 14,235 examinees; Region 4 (Southern Tagalog) sa 21.17 percent o 8,337 passers sa 39,377 examinees; Region 7 (Central Visayas) na may 20.15 percent o 3,887 passers sa 19,288 examinees; at Region 1 (Ilocos Region) na may 20.06 percent passing rate o 4,435 passers sa 22,107 examinees.

Sa pahayag nitong Huwebes, Enero 4, pinuri ni CSC chairperson Karlo Nograles ang lahat ng mga pumasa.

‚ÄúTunay ngang isa itong magandang panimula ng taon hindi lamang para sa inyo kundi para sa inyong mga pamilya. Higit sa lahat, kaming mga nasa pampublikong sektor ay nagagalak na makatrabaho kayo sa susunod na mga buwan o taon tungo sa isang maunlad at matatag na serbisyo sibil,” ani Nograles. RNT/JGC

Previous article2 most wanted persons timbog sa Valenzuela
Next articlePacquiao vs Mayweather rematch, minaliit ni McGregor