Home METRO Trabaho, klase sa Maynila sinuspinde ni Yorme Isko

Trabaho, klase sa Maynila sinuspinde ni Yorme Isko

250
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Lungsod at klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, sa Biyernes, Oktubre 31, 2025 bilang paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ito ay matapos lagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang Executive Order No. 67, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 727 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Oktubre 30, 2024, na nagdeklara ng ilang petsa bilang mga regular na holiday at mga espesyal (na walang pasok) na araw sa buong bansa.

Ayon kay Domagoso, ginawa ang nasabing hakbang upang mabigyan ng sapat na panahon ang ating mga kababayan na makapaghanda at makadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay ngayong Undas 2025.

Aniya, panahon umano ito ng pag-alala at pagdarasal para sa ating mga pumanaw na mahal sa buhay.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang trabaho ng mga nasa frontline — health, peace and order, disaster response, at traffic management para masiguro ang maayos at ligtas na paggunita ng Undas sa Lungsod ng Maynila. Gayundin, ang trabaho sa mga departamento, kawanihan, at mga opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ay sinuspinde rin sa parehong petsa at oras.

Sa direktiba ni Yorme, ang mga mahahalagang serbisyo tulad ng kalusugan, kapayapaan at kaayusan, pagtugon sa sakuna, at pamamahala ng trapiko ay mananatiling ganap na operasyonal.

Aniya, ang mga pinuno ng mga tanggapan ay inatasan na tiyakin ang walang patid na paghahatid ng mga serbisyong pang-una sa buong mahabang katapusan ng linggo.

Ang mga pribadong establisyimento naman sa loob ng lungsod ay pinayuhan na gumamit ng diskresyon sa pagsuspinde ng trabaho o flexible arrangements para sa kanilang mga empleyado. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here