Home NATIONWIDE Trabaho para sa lahat sa ‘Bagong Pilipinas’ ginarantiya ni PBBM

Trabaho para sa lahat sa ‘Bagong Pilipinas’ ginarantiya ni PBBM

MANILA, Philippines- Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na lahat ay magkakaroon ng trabaho sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas” na kanyang isinusulong.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos niyang i-welcome ang ulat na ang labor force participation ng bansa ay umakyat sa 66.6% noong Disyembre 2023, habang ang employment rate ay tumaas din ng 96.9%.

Sa post ng Pangulo sa kanyang X account, sa Bagong Pilipinas aniya, ang pag-unlad at kasaganahan ay dapat lamang na ihatid sa bawat tahanan, sapagkat tiyak aniya na may magandang trabahong naghihintay para sa bawat Pilipino.

Sa kanya pa ring post, sinabi ng Punong Ehekutibo na masaya siyang makita ang mahalagang progreso at katatagan ng labor market ng bansa.

Pinuri naman nito ang pagbaba sa 3.1% ng unemployment rate habang ang underemployment rate ay nabawasan ng 11.9%.

Ayon pa sa Pangulo, ang mga kaganapang ito ay nagpapahiwatig ng improvement sa “job quality at stability” at ngayon ay maraming oportunidad para sa mga manggagawa.

“This positive momentum is attributed to robust growth across all major industry groups, with construction, agriculture, and services leading the way,” ang tinuran pa ng Pangulo.

Dahil dito, nangako ang Pangulo na committed ang gobyerno “to fostering a conducive and enabling environment for employment growth.”

“We will continue to implement both demand- and supply-side interventions, including pro-investment reforms and strategic partnerships, to attract more investments,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

“The enactment of initiatives such as the Public-Private Partnership Code and the 4PH Housing Program will further stimulate economic activity and create more job opportunities,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, itutulak din ng pamahalaan ang “up-skilling at re-skilling initiatives” at isinusulong ang pagbabago para ihanda ang mga manggagawa sa kinakailangang kasanayan at kakayahan na angkop para sa maraming high-quality employment opportunities. Kris Jose

Previous articleImee Marcos sa ilang solons: Magpakatotoo kayo sa Cha-cha
Next articlePNP-ACG nagbabala vs ‘love scam’ modus