Home NATIONWIDE Zelensky inilagay ng Russia sa wanted list

Zelensky inilagay ng Russia sa wanted list

RUSSIA – Naghain ng kriminal na kaso ang Russia laban kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Kasabay nito ay inilagay din ang Ukrainian president sa “wanted list.”

Iniulat ng state news agency na TASS nitong Sabado, Mayo 4, na lumabas sa Russian Interior Ministry database si Zelensky na nasa wanted list, bagamat hindi na ito nagbigay pa ng karagdagang detalye.

Sinabi ng foreign ministry ng Ukraine na mismong si Russian President Vladimir Putin ay “subject to arrest” din sa ilalim ng International Criminal Court warrant.

“We would like to remind you that unlike the worthless Russian announcements, an International Criminal Court warrant for the arrest of Russian dictator Vladimir Putin on suspicion of war crimes is quite real, and subject to implementation in 123 countries,” saad sa pahayag ng foreign ministry.

Sinabi rin nito na ang anunsyo ng Russia ay “evidence of the desperation of the Russian state machine and propaganda, which can think of no other way to attract attention.”

Matatandaan na naglabas ng mga arrest warrant ang Russia sa mga Ukrainian at iba pang mga politiko sa Europe mula pa noong Pebrero 2022, o nang magsimula ang gusot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Noong Pebrero lamang ay inilagay ng Russian police sina Estonian Prime Minister Kaja Kallas, Lithuania culture minister at mga miyembro ng nakaraang Latvian parliament sa wanted list dahil sa pagsira umano sa mga Soviet-era monument.

Nag-isyu din ng arrest warrant ang Russia laban sa International Criminal Court prosecutor na naghanda ng crimes warrant laban kay Putin noong nakaraang taon. RNT/JGC