Home NATIONWIDE Trade deficit tumaas noong Nobyembre

Trade deficit tumaas noong Nobyembre

MANILA, Philippines – Lumago ng 26.3% ang trade deficit ng bansa noong Nobyembre 2023, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa preliminary data na inilabas ng PSA nitong Miyerkules, Enero 10, makikita na ang balance of trade in goods, o ang pagkakaiba sa halaga ng export at import, ay naitala sa USD4.6 billion deficit noong Nobyembre, mas mataas sa USD3.7 billion na naitala noong Nobyembre 2022.

Ang total export sales sa nasabing buwan ay umabot naman sa USD6.13 million, bumaba ng 13.7 percent mula sa USD7.10 billion na naitala sa nagdaang taon.

“The commodity group with the highest annual decrement in the value of exports in November 2023 was electronic products with USD1.13 billion. This was followed by coconut oil with an annual decline of USD26.76 million, and gold with an annual decrease of USD18.61 million,” saad ng PSA.

Nangungunang export destination ang Estados Unidos, na may 15.8% o USD970.22 million.

Kabilang din sa major export trading partners ng Pilipinas ay ang Japan, People’s Republic of China, Hongkong, at Republic of Korea.

Sa kabilang banda, bahagyang tumaas ang kabuuang halaga ng imports, sa USD10.820 billion mula USD10.817 billion noong Nobyembre 2022.

Tumaas ang transport equipment ng USD340.72 million, pinakamataas sa halaga ng imported goods.

Sinundan ito ng metalliferous ores at metal scrap, na lumago ng USD146.03 million at miscellaneous manufactured articles sa annual increase na USD108.84 million.

“People’s Republic of China was the country’s largest supplier of imported goods valued at USD2.72 billion or 25.1 percent of the country’s total imports in November 2023,” ayon sa PSA.

Ang iba pang major sources ng imports ay ang Indonesia, Japan, Korea, at US. RNT/JGC

Previous articleJapanese tunnel noong World War II binuksan sa Albay bilang bagong tourism site
Next articleMahigit 3,500 security forces ipakakalat sa Sinulog 2024