Home TOP STORIES Training, patas na sahod sa riders solusyon vs lumalalang aksidente sa daan

Training, patas na sahod sa riders solusyon vs lumalalang aksidente sa daan

Mahaba ang pila ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel Mega Q-Mart Station sa Quezon City nitong Martes matapos magdulot ng pagkaantala ang nakasabit na sagabal sa footbridge sa pagitan ng Magallanes at Taft stations ng MRT-3, dahilan upang humaba rin ang pila sa ilang istasyon ng tren. Danny Querubin

MANILA, Philippines – Inulan ng batikos ng netizens sa iba’t-ibang social media platform ang isang motorcycle taxi company dahil sa umano’y tumataas na bilang ng mga naitalang aksidente kung saan sangkot ang mga rider nito.

Kasabay ng mga batikos ay ang panawagan sa pamunuan ng Move It na paghusayin nito ang kanilang training sa kanilang mga rider.

Isa pa sa ipinunto ng netizen ang dapat na pagbibigay ng kompanya ng patas na sahod at benepisyo sa mga rider nito para ayusin nila o pagbutihin ang kanilang trabaho.

“Hindi na ba talaga mapigilan ’yung araw-araw na lang na aksidente? Kawawa naman mga pasahero niyo kung inaraw-araw niyo na yan,” saad sa isang komento.

Karamihan sa mga Facebook user ay nagpahayag ng pag-aalinlangan sa kakayahan at etiquette ng mga rider ng Move It, at nanawagan sa taxi firm na pagbutihin ang kanilang standards of practice.

Dagdag pa ng netizen naang pagdalas ng pagka-aksidente ay isang bagay na dapat seryosohin, at isang kasong dapat iparating sa Technical Working Group ng Department of Transportation (DOTr-TWG), o ang namumuno sa pilot study para sa MC taxi. RNT

Previous articleTaas-terminal fee sa NAIA ‘di agad ipatutupad – DOTr
Next articleFDA nagbabala: Isang cancer treatment solution kontaminado, ‘wag gamitin!