Home NATIONWIDE Trak na sangkot sa iligal na kalakalan, pagbibiyahe ng produktong petrolyo huli...

Trak na sangkot sa iligal na kalakalan, pagbibiyahe ng produktong petrolyo huli sa Albay

122
0

MANILA, Philippines – Nahuli ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pamamagitan ng Coast Guard District Bicol (CGDBCL), katuwang ang mga operating units nito, ang isang forward truck na umano’y sangkot sa iligal na kalakalan at transportasyon ng produktong petrolyo nang walang kaukulang permit sa Tabaco Port, Tabaco City, Albay.

Isinagawa ang operasyon habang nagpapatupad ng random K9 paneling at routine inspection ng mga outbound cargo.

Ayon sa PCG, naharang ng mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Tabaco ang forward truck noong Abril 11 ng umaga na may kargang produktong petrolyo na nakatakdang ibyahe mula Tabaco City patungong San Andres, Catanduanes.

Kaagad namang nakipag-ugnayan ang CGSS Tabaco sa Maritime Safety Law Enforcement Group Bicol (MARSLEG-BCL) para sa tamang dokumentasyon, imbestigasyon, at legal na disposisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here