Home METRO 15 sabungero arestado sa Isabela

15 sabungero arestado sa Isabela

120
0

CAUAYAN CITY, Isabela – Arestadobangb15 katao na naaktuhan illegal na nagsasabong o tupada sa Brgy. Dianao, Cauayan City, Isabela

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa pinaigting na kampanya sa illegal gambling sa pagt8gon n8 PLtCol. Avelino Canceran Jr., hepe ng Cauayan Component City Police Station, nakatanggap ng tawag ang kanilang Tactical Operations Center (TOC) bandang alas-3:30 ng hapon mula sa isang concerned citizen kaugnay ng umano’y nagaganap na ilegal na sabong sa nasabing lugar.

Agad rumesponde ang pinagsanib na pwersa ng Cauayan CCPS at 205th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2) upang beripikahin ang ulat.

Pagdating sa lugar, nadatnan ng mga operatiba ang isang grupo ng mga indibidwal na aktwal na nagsasagawa ng ilegal na sabong sa isang open field gamit ang improvised cockpit o “gradas,” na nagresulta sa pagkakaaresto ng 15 katao.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ed”, “Ron”, “Berto”, Dumz”, Austin”, “Liw”, “Kano”, “Sam”, June”, “Den”, “Onald”, “Carry”, “Rey”, “Tore”, at “Fred”. pawang mga nasa tamang edad.

Habang patuloy pang pinaghahanap ang umano’y operator na si alyas “Oel” at isang kasabwat na si alyas “JR”.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong (7) buhay na panabong na manok, apat (4) na patay na manok, pitong (7) derby box, isang (1) gaffing kit na naglalaman ng 25 piraso ng tari, at halagang Php50,120.00 na pinaniniwalaang pusta sa naturang ilegal na aktibidad.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang 15 katao para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Presidential Decree 449 o ang Cockfighting Law of 1974. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here