PAMPANGA- Nalambat ng mga awtoridad ang limang drug suspek at makumpiska ang ilang pakete ng suspected shabu sa isa umanong drug den na sinalakay at winasak sa ikinasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Marcos Village, Mabalacat City.
Kinilala ng PDEA ang mga naarestong suspek na sina alyas “Gino”, 28 anyos (drug den maintainer), alyas “Ron, 27, Don-don, 24, Cely (babae), 41 at Rey, 52 anyos na pawang mga residente sa naturang lugar.
Nadakip ang mga suspek matapos umanong maaktuhang magkakasabwat na nagbenta ng shabu sa PDEA undercover agent.
Narekober sa mga suspek ang pitong (7) pakete ng suspected shabu na may timbang na 7 gramo at standard drug price ng higit P47,000, cellphone na gamit ng suspek sa pakikipag-transaksiyon at ang marked money na ginamit sa buybust.
Nasa kustodiya na nang PDEA-3 Jail Facility ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas pinaigting na na batas kontra iligal na droga. ROEL TARAYAO