Home METRO Transgender woman pinagalitan sa pagpasok sa female restroom

Transgender woman pinagalitan sa pagpasok sa female restroom

LEGAZPI CITY- Dismayado ang isang transgender woman sa isang hotel na tinuluyan nito matapos siyang pagalitan ng may-ari dahil sa paggamit ng ‘female’ comfort room, kamakailan sa lungsod na ito.

Sa viral video post ni Jules Balais, transgender woman, nagtatalo sila ng may-ari ng hotel na kanyang tinuluyan dahil sa paggamit nito ng comfort room ng mga babae.

Habang nagvi-video si Balais, pilit namang inaagaw ng babaeng may-ari ang kanyang cellphone, habang sa likuran ay dinuro-duro siya ng isang lalaki.

Kaugnay nito, lalo pang paiigtingin ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang pagpapatupad ng kanilang ordinansa laban sa diskriminasyon sa sexual orientation, gender identity, and gender expression o SOGIE na inaprubahan taong 2021.

Ayon kay Albay Governor Grex Lagman, may-akda ng anti-SOGIE discrimination, maituturing na diskriminasyon ang pagbabawal sa paggamit ng CR.

Nanawagan naman si Balais sa publiko na mas lawakan pa ang kanilang pang-unawa sa kanilang karapatan.

Inulan naman ng samu’t saring komento ang video ni Balais. Mary Anne Sapico