Home NATIONWIDE Transport groups suportado si Lopez laban sa carpooling sa EDSA busway

Transport groups suportado si Lopez laban sa carpooling sa EDSA busway

240
0

MANILA, Philippines – Suportado ng mga transport group si Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez sa pagtutol nito na pahintulutang gamitin ang EDSA Busway para sa carpooling.

Ayon kay PBOAP exec. director Alex Yague, mawawala ang layunin ng busway na maghatid ng mass transport kung papayagan ang private vehicles.

Ani ALTODAP president Melencio Vargas, “Maayos na ang operasyon ng EDSA Busway, bakit guguluhin pa? Mauuwi lang sa dating traffic.”

Paalala naman ni Pasang-Masda president “Ka Obet” Martin, limitado lamang ang isang lane ng busway kaya mas maraming sasakyan ay makahahadlang sa mga bus.

Layunin ng busway na maghatid ng mabilis at tuloy-tuloy na serbisyo sa hanggang 300,000 pasaherong gumagamit nito araw-araw. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here