MANILA, Philippines – Dahil sa mabagal na paglago ng ekonomiya, nanawagan si Sen. Loren Legarda ng masusing pagsusuri sa paraan ng pag-unlad at paghahanda ng bansa sa hinaharap.
Lumabas na tumaas lamang ng 3% ang GDP ng ika-apat na quarter ng 2025, na pinakamababa sa halos 15 taon, at 4.4% ang full-year expansion, pinakamababa mula 2011.
Binawasan rin ng DBCC ang revenue projections mula 2026 hanggang 2028.
Ani Legarda, ang malaking nakatuon sa infrastructure ngunit may korapsyon at mahinang oversight ay nagdudulot ng sistemikong epekto sa ekonomiya, mula presyo ng pagkain hanggang kita ng sambahayan.
Ipinunto niya na may mga batas at programa na nagtataguyod ng sustainable growth, innovation, at inclusivity tulad ng Clean Air Act, Climate Change Act, PENCAS, Philippine Innovation Act, at mga batas para sa SMEs at edukasyon.
“Economic planning and education reform must move in tandem… every peso spent must strengthen communities, learning, and livelihoods,” ani Legarda. RNT/MND