MANILA, Philippines- Bibili ng passive body scanners at body-worn camera ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Transportation (DOTr) sa halagag P1.25 bilyon ngayong taon sa layuning mapahusay ang seguridad sa transportasyon.
Sinabi ito ni Quezon City 4rt district Rep. Marvin Rillo, miyembro ng appropriations committee, noong Linggo.
Ginawa ni Rillo ang anunsyo sa ilang sandali matapos italaga ni Pangulong Marcos si Vivencio “Vince” Dizon bilang bagong hepe ng DOTr na epektibo noong Pebrero 21, kasunod ng pagbibitiw ni Jaime Bautista dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan.
Responsable ang DOTr sa pangangasiwa sa air, rail, land, at maritime transportation sytem ng bansa at may mandato na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.
Kasama sa mga banta sa seguridad sa transportasyon ang krimen – tulad ng pagnanakaw, harassment, vandalism, at pag-atake sa mga pasahero o kawani, pati na rin ang terorismo, kabilang ang pambobomba, pag-atake, at pagsabotahe. Jocelyn Tabangcura-Domenden