Home HOME BANNER STORY Transport strike ng MANIBELA umarangkada

Transport strike ng MANIBELA umarangkada

MANILA, Philippines- Sinimulan ng transport group na MANIBELA nitong Lunes ng umaga ang three-day transport strike nito bilang pagprotesta sa PUV modernization program.

Nauna nang inanunsyo ng MANIBELA na magsasagawa ito ng transport strike mula March 24 hanggang 26, 2025, sa gitna ng akusasyon nito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng pag-“misrepresent” umano sa consolidation figures ng public utility vehicle operators at drivers sa ilalim ng PUV modernization program.

Sa kahabaan ng Punta-Quiapo at Punta-Divisoria routes, mahigit 40 jeep ang nakilahok sa strike, base sa ulat.

Sinabi ni Manibela Punta chapter president Reynold Malana na nasa 80 miyembro nito ang nakilahok sa strike, kumakatawan sa 60 jeep na hindi bibiyahe sa lugar. 

Makikita namang pumapasada ang ilang jeep mula sa ibang transport groups. RNT/SA