Home HOME BANNER STORY Transport strike vs PUV modernization kasado na sa Abril 29 ‘gang Mayo...

Transport strike vs PUV modernization kasado na sa Abril 29 ‘gang Mayo 1

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng transport group na PISTON nitong Sabado, Abril 27 ang tatlong araw na nationwide strike sa susunod na linggo bilang protesta sa public utility vehicle (PUV) modernization program at sa nalalapit na deadline sa Abril 30 para sa consolidation ng mga prangkisa ng jeepney.

Sa media forum sa Quezon City, sinabi ni PISTON deputy secretary general Ruben Baylon na magsisimula ang tigil-pasada sa Abril 29 at magtatapos sa Mayo 1, kung saan magmamartsa ang mga miyembro kasabay ng Labor Day protest actions.

“Ito ay kinakailangan nating gawin upang ipaglaban natin ang ating mga kabuhayan sa sektor ng transportasyon,” ani Baylon.

Kabilang sa “mass up areas” sa Metro Manila para sa transport protest ay ang Taft Avenue at pangunahing kalsada sa Alabang, Baclaran, Sucat, Monumento, Litex, Anonas, Katipunan at Philcoa.

Aniya, naghahanda rin ang transport group na MANIBELA para sa strike, bagama’t sinabi ni chairman Mar Valbuena na kailangan pa niyang makipag-usap sa PISTON para sa schedule. RNT/JGC