Home NATIONWIDE Traslacion litter-free sigaw ng envi group

Traslacion litter-free sigaw ng envi group

Nagkasa ng rally ang environmental group nitong Sabado, Enero 6, sa harap ng Quiapo Church, para hikayatin ang mga deboto ng Itim na Nazareno na gawing Traslacion litter-free ngayong taon.

Umapela ang EcoWaste Coalition sa lahat ng deboto na panatilin ang kalinisan sa Pista ng Itim na Nazareno kasabay ng pagdiriwang ng National Zero Waste Month

Sa isang maikling programa na isinagawa ng grupo kasama ang Green Brigade Team ng parokya, iwinagayway nila ang mga banner at placards na nagsasabing “Kalakip ng debosyon ang malinis na Traslacion (Devotion goes with clean Traslacion).”

“We appeal to all devotees, as people of strong faith, to join hands in solidarity to make this year’s Traslacion as litter-free as possible,” ayon kay EcoWaste Coalition lead campaigner Ochie Tolentino.

Batay sa trash monitoring activities ng grupo, ang pinakamaraming nagkalat noong nakaraang Traslacion ay ang mga disposable food and beverage containers at wrappers na gawa sa papel at plastic, food leftovers, bamboo skewers, at sigarilyo.

Noong 2012, hinamon ni dating Manila Archbishop Luis Antonio Tagle, na ngayon ay nakabase sa Vatican City, ang mga deboto na maging malinis sa sarili.

“The entire city of Manila is not your trash bin. Be humble, let’s not be arrogant),” sabi ni Tagle. Jocelyn Tabangcura-Domenden