MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Office of the President (OP) ang pagbiyahe ni Bise Presidente Sara Duterte patungong The Hague, Netherlands, kasunod ng pag-aresto sa kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na naibigay ang travel authority bandang alas-8 ng gabi noong Martes.
Hindi agad naabisuhan ang PCO dahil sa pagiging agarang at kumpidensyal ng impormasyon.
Umalis si VP Duterte sa Maynila alas-7:40 ng umaga noong Miyerkules sakay ng Emirates Flight EK 337 papuntang Amsterdam.
Kaugnay ang pag-aresto sa dating pangulo sa imbestigasyon ng International Criminal Court hinggil sa umano’y extrajudicial killings sa kanyang anti-drug campaign. RNT