Home NATIONWIDE Pinoy crew bahagi ng nagbanggaang Solong container ship at US miliary fuel...

Pinoy crew bahagi ng nagbanggaang Solong container ship at US miliary fuel tanker

ENGLAND – Nagbanggaan ang Solong container ship at ang US military fuel tanker na Stena Immaculate sa hilagang-silangan ng England, na nagresulta sa pagkawala ng isang tripulante na pinaniniwalaang patay na.

Inaresto ang kapitan ng Solong, isang 59-anyos na Russian national, dahil sa gross negligence manslaughter.

Ang natitirang 14 na tripulante ng Solong ay binubuo ng mga Russian at Pilipino.

Nagdulot ang insidente ng sunog, pagsabog, at pagtagas ng langis, na nagbigay ng pangamba sa epekto nito sa kalikasan, ngunit wala nang naiulat na karagdagang polusyon.

Bahagya nang humupa ang sunog sa Solong at sisimulan lamang ang damage assessment kapag ligtas na ang sitwasyon.

Nakadaong ang Stena Immaculate nang mabangga at ligtas na nailikas ang 23 American crew nito.

Patuloy ang imbestigasyon na pinangungunahan ng US at Portugal, kung saan nakarehistro ang mga barko. RNT