MANILA, Philippines – Uusad na sa House Plenary ang usapin ng pag-abolish sa travel tax matapos aprubahan na ng House Appropriations Committee ang panukala kasama na dito ang pagtiyak na may ipapalit na pondo sa mga ahensyang maapektuhan ng pagtanggal sa travel tax.
Umaasa naman si House Majority Leader Sandro Marcos, pangunahing may akda ng panukala, na agad mapapasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang panukala bago ang recess ng Kamara.
“The travel tax was created in a very different economic context. Today, it has become an added cost that restricts mobility and weighs heavily on ordinary Filipinos who simply want to travel for work, family or opportunity,” pahayag Marcos.
Matatandaan na una na ding nakapasa sa House Committee on Tourism, sa pamumuno ni Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona at House Committee on Ways and Means sa pamumuno ni Marikina City Rep. Miro Quimbo angh ]consolidated bill para sa panukala.
Sa pagdinig, sinabi ni House Committee on Appropriations Chairman Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing na suportado nila ang pag alis na sa ipinapataw na travel tax ngunit binigyan nito ng kautusan ang Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) para tiyakin na walang maaprktuhan sa pag abolish sa tax.
“we wanted to ensure that any replacement funding matches the actual needs of the agencies” ani Suansing.
Bago aprubahan ng panel ang panukala ay hiningan ni Suansing ng “commitment” ang DoF at DBM na kaya nitong punan ang mawawala sa tax.
“I just want to make sure that whichever vacuum we’re filling is the amount that the agencies really need and will utilize,” pahayag nito.
Sa panig ng DOF at DBM sinabi nito na hahanap ito ng pondo.
Ang mga ahensya na pinopondohan ng nakukuhang travel tax ay ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Commission on Higher Education (CHED) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Gail Mendoza