MANILA, Philippines – Pinayagan na ulit ang pagsasagawa ng trekking activities sa Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary (MHRWS) sa Davao Oriental, ang nag-iisang UNESCO World Heritage Site at ASEAN Heritage Park sa Mindanao.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources-Davao (DENR-11), maaaring bumisita ang mga trekker para makita ang view at hamon ng daanan sa Mt. Hamiguitan.
Matatandaan na ipinahinto ang trekking activities sa Mt. Hamiguitan sa loob ng isang taon dahil sa assessment at pagsasaayos ng mga pasilidad sa campsite.
Sa mga nagnanais na umakyat sa naturang bundok ay kailangang kumuha ng permit mula sa Protected Area Management Office (PAMO) at iba pang documentary requirements.
Ang regular entrance fee ay nasa P3,000, para sa tatlong araw na trek.
Maaaring makakuha ng discount ang mga residente ng Davao Oriental, mga estudyante, senior citizen, at mga miyembro ng Mountaineering Federation of Southern Mindanao (MFSM), at Outdoors Club Federation, Inc. ng Davao Oriental.
Idinagdag ng DENR-11 na mandatory ang tour guide sa halagang P800 kada araw. RNT/JGC